KABANATA 62: NAGISING akong masakit ang ulo. Para bang binabarena ang aking sentido. Inalis ko ang takip na comforter sa aking mukha. Napapikit ako sa tindi ng silaw na mula sa bintana. Umungol ako at nagtalukbong. "I know you're awake, woman! Bumangon ka na!" Napadilat ako sa lakas ng boses ni Lolo. Napabalikwas ako ng bangon at nakita kong matalim ang tingin niya sa akin. "Aw!" Napahawak ako sa ulo ng kumirot iyon. Napapikit ako dahil naman din sa hilo. "You did sneak out last night! You're such a hard-headed woman! Ano bang nangyayari sa'yo at nakuha mo pang tumakas kagabi!" "Calm down, Lo! Wala namang nangyari sa'kin. I came home in one piece," yamot kong sabi. Sumandal ako sa headboard ng kama. Parang nangyari na ito noon. Wait, paano ako nakarating dito? At nahuli ako? "How di