KABANATA 3

2037 Words
KABANATA 3: NAG-INIT ang ulo ko lalo na parang walang pakialam si Nika at si Emil na marami ng gustong gumamit sa kabayo. Nag-martsa ako papunta sa arena. Masama ang timpla ko pero pinili ko pa ding ikalma ang sarili dahil iyon naman ang itinuro sa akin noon pa maski ni Lolo. Namilog ang mga mata ni Nika ng makita ako. Kumibot ang kilay ko sa suot niyang damit. Nakuha niyang sumampa sa kabayo na naka-crop top at shorts lang ang suot?  "Geselle!" tinuro pa niya ako kaya napalingon sa akin si Emil habang hawak ang tali ng kabayo. Nahigit ko ang aking hininga ng magtama ang aming mata. Talagang may kakaiba sa titig niya na hindi ko maintindihan. Para akong nahi-hipnotismo. Siguro dahil talagang magandang ang pares ng tsokolate niyang mata. Huminga ako ng malalim at taas ang noo ko siyang tinignan.  Yumukod ito ng kaunti tanda ng pagbigay galang. "Magandang umaga po, Senyorita," bati nito sa baritonong boses. "Geselle, dapat pinilit mo kong matuto mangabayo. I never knew this would be exciting! Gusto ko ng mag-aral araw-araw." Humagikgik ito dahilan para gumalaw ng kaunti ang kabayo. "Oh!" si Nika. Agad na hinawakan siya ni Emil sa beywang para alalayan na hindi matumba. Nagtagal ang mata ko sa kamay niyang naroon. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pait sa dibdib. "Nika, don't use your power to intimidate other people. Ma--" "Wait, what did you just say?" she arched her brows. Obvious na hindi nagustuhan ang sinabi ko.  I don't understand why I feel so upset today. Imbes na kakausapin ko siya ng maayos ay hindi ko na nagawa. She is my friend. Yes, simply because her father is my Lolo's friend. We use to play in our house during our childhood days. Sa tuwing bibisita sila sa Hacienda namin. Pero bihira lang din ako pumupunta sa kanila. "Bababa ako..." masungit na utos ni Nika. Naroon lang ako habang nakahalukipkip at pinagmamasdan silang dalawa. Nanliit ang mga mata ko sa tanawin. Napatingin ako sa palad ni Emil na dumapo sa maliit na beywang ni Nika. Inalalayan pababa sa kabayo. Ngiting-ngiti si Nika habang nakahawak sa matipunong braso ni Emil. Lumapit ako lalo ng bumaba na si Nika. "Marami ng nagrereklamo na guest, Nika. We are strictly implementing 30 min--" "Geselle, guest din ako, ah? Are you supposed to say that to a friend?" Tinaasan niya ako ng kilay. Noon pa man alam ko ng may attitude siya. Tumikhim si Emil at pumagitna na sa amin. Napatingin tuloy ako sa kanya. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang magandang hubog ng kanyang matipuno ding dibdib. Na-distract ako sa tanawin. Halos mapunit kasi ang suot nitong navy green shirt sa katawan niya. Wala na ba itong ibang damit? Bakit kailangan hapit?  "Maam, pwede din naman po bukas. Napansin ko nga na may iba pa pong guest ang gusto na mangabayo. Limited lang ang mayroon dito sa Hacienda. Lahat po kasi okupado na. Ang iba pong guest ay kasama na ang horse back riding sa booking nila. Baka ang iba po doon check-out na din kasi mamaya..." mahinahong paliwanag ni Emil kay Nika. Umawang ang bibig ko na imbes ako ang magpaliwanag niyon ay ginawa niya na para sa akin. Mula sa mataray na tingin ay naging malambot ang mga mata ni Nika ng mapatingin kay Emil. "You're so good at words. You know how to soften someone's heart by just talking..." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa kay Emil. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang nahihiyang ngiti din ni Emil sa dalaga. "I know you're the Mayor's daughter. But don't use it to get special treatment, Nika. Pinapasahod ko sila para sa magandang serbisyo hindi para matakot sa'yo. Let me remind you that my Tito Amado is the governor of this province if you will use your father's rank to intimidate my staff and guest. Baka nakakalimutan mo kung saan dapat naka-posisyon ang Mayor?" I smirked. I couldn't hide my irritation. She gasped. She couldn't believe that I could say something unpleasant to her. Well, now I just did.  I keep silent all this time. Kahit alam ko na ang ugali niya. Hindi ko siya pinatulan kahit na ang pamamahiya niya sa ilang empleyado ko noon ay pinalampas ko dahil iniisip ko ang nararamdaman niya pero napuno na ko. I don't know what exactly triggers me to say such things pero siguro hindi naman deserve ng mga empleyado ko ang pagalitan ng mga guest dahil lang sa kalandian niya. "If you are here for flirting. Please don't disturb my staff during working hours. Pwede naman kayo kapag tapos na ang trabaho niya," dugtong ko ng hindi pa din ito makapagsalita. "You're unbelievable!" Pulang-pula ang mukha niya sa pagkapahiya. Taas-baba ang kanyang dibdib tanda ng galit. Now, I'm ready to lose a friend today. I consider her a friend since we used to have good memories when I was a kid, even though she's such a spoiled brat. At least, ayoko ng ma-stress sa ugali niya. I can finally defend my employees from her without thinking she might get hurt. Bahala na kung makarating ito kay Tito Amado. Wala naman akong ginawang masama kundi nagta-trabaho lang ng maayos. Tumikhim si Emil at alanganin kung kakausapin si Nika. "I'll tell this to my Dad!" si Nika. "Go, ahead." Umismid ako at umayos ng pagkakatayo habang nakahalukipkip. Nag-martsa paalis sa arena si Nika. Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ni Nika. Mabuti na lang at malayo ang ibang tao. Hindi narinig ang pagu-usap namin. "Pasensya na po, Senyorita." Napabaling ako kay Emil na ngayon ay nasa tabi ng kabayo. Hawak ang tali nito. "You are flirting with her," deklara ko. Taas ang aking noo at tinignan siya ng mariin sa mata. Kumibot ang makapal nitong kilay. Umawang ang bibig na tanda ng pagkagulat sa sinabi ko. "I don't tolerate immoral acts. Next time you do it, you'll going to lose your job." Diretsa kong sabi. Lumapit siya sa akin. Agad ang pagkabog ng dibdib ko. Bigla ang pagseryoso ng mukha nito. Walang kakurap-kurap ang mga mata. Tikom na tikom ang bibig habang hindi ako nilulubayan ng tingin. Napaurong ako. Nawala ako saglit sa sarili pero agad ding nakabawi. Taas noo ako habang tinatapan ang kanyang titig. "Hindi ako nakikipaglandian," buong-buo ang boses niya. "Are you intimidating me?" nagpa-panic na ako pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. I am freaking nervous. Emil tilts his head to one side. "Bakit naapektuhan ka ba?" seryoso niyang sabi. Lumapit pa siyang lalo. Tiningala ko siya at halos mangawit ang leeg ko sa tangkad niya. Kumunot ang noo ko. This man is getting into my nerves. Who is he to talk to me like that? Tinulak ko siya. Napatingin siya sa dibdib niya kung saan ko siya hinawakan. Malakas ang ginawa ko pero gumalaw lang ang balikat nito. Parang walang matinding epekto ang pagtulak ko. "Let me remind you that you are talking to your boss. Show some respect." Tinaasan ko siya ng kilay. Halos hindi ko marinig ang sarili sa kaba. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Sa totoo lang matapang ako sa labas pero nanghihina ang tuhod ko at kabado sa loob. Naiinis ako na naapektuhan sa bawat titig at paglapit niya sa akin. Lumayo ito. "Nire-respeto kita, Senyorita. Pero mali ata ang pagbintangan mo ako sa bagay na hindi ko naman ginagawa. Hindi ko nagustuhan kung paano mo ko husgahan." Umigting ang panga nito. My mouth drop open. Hindi ko inaasahan talaga na makukuha niya akong kausapin ng ganito. Na parang kaswal lang. Walang kahirap-hirap na sabihin ang gusto nitong sabihin. Samantalang ang iba, nahihiya pa isatinig ang gusto nilang sabihin kaya ang ending tumatango na lang din. "I saw it with my two eyes. What do you think of me, blind? Sa malayo pa lang tanaw na tanaw ko na kung paano kayo maghagik-gikan. The way you touch her waist. It's not innoce--" "Saan ko ba dapat siyang hawakan? Bibitawan ko at hahayaang bumaba?" tanong niya sa akin. I was taken aback. Napansin niya iyon kaya kinuha ni Emil ang pagkakataon na sundan pa ang sinabi. "Kung nakita mo kaming nagtatawanan. Nakikisakay ako, Senyorita. Alangan nagbibiro siya tapos hindi ko tatawanan? Guest si Maam. Ni-rerespeto ko siya at ayoko namang masabi niyang ang staff dito sa Hacienda masungit at hindi pala-ngiti. Mali ba ako ng ginawa? Kung ganoon, hindi na ko makikipag-biruan sa lahat ng guest dito." Dire-diretso nitong sabi. Napakurap-kurap ako sa tapang niya. Hindi man lang ito kinabahan sa bibitiwang salita at bakit ganoon ang tono ng boses niya? Parang walang galang! "Watch your tone. Hindi ko nagugustuhan kung paano mo ko kausapin. Staff lang kita." Nagtangis ang aking bagang. Tumayo ako ng tuwid at kinuyom ang kamao. Hindi ko alam kung bakit naiinis talaga ako ngayon at big deal sa akin ang nangyaring ito. Hilaw itong ngumisi. Napatingin ako sa labi niya. Binasa ni Emil ang ibabang-labi habang sa ibang direksyon nakatingin. Obvious na napipikon sa akin. "Ganito pala ang trato mo sa katulad ko? Ibig sabihin, hindi totoo ang balita na mabait ka at malapit sa tao?" he asked. "Depende sa kausap ko. Bakit naririnig mo ba ang sarili mo kung paano mo ko kausapin ngayon?" Pulang-pula ang mukha ko sa galit.  Iyong imbes na pagsita ay umaabot na sa ganito.  "Hindi naman kasi tama na pagbintangan mo ko. Kung iba ang tingin mo sa ginagawa ko. Hindi ko na uulitin. Pasensya na sa kanina..." mahinang sambit nito. Mangha ko siyang tinignan. Bakit sa tuwing ibubuka ng lalaking ito ang bibig niya ay namamangha ako. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na humaba ng ganito ang usapan naming dalawa. Na sa kahit saang anggulo ko siyang tignan. Magandang lalaki talaga siya. Malakas ang appeal.  Matapos na mahuli ko siyang pinapaliguan si Alexandra ay hindi naman na nito ginalaw ang kabayo ko. Alam niyang hindi ko gusto na may ibang humihipo sa kabayo ko. Ngayon ko na lang siya ulit nakita pero hindi ko nagustuhan agad ang naabutan ko kanina. Napapikit ako ng mariin ng maalala muli ang nangyaring pagu-usap namin ng bagong trabahador na si Emil. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari maging sa takbo ng usapan namin. Nag-martsa ako paalis sa arena matapos kong sabihin sa kanya na istrikto ang pagimplement ko sa oras ng pagsakay at paga-assist niya sa bawat guest. No special treatment. Pantay-pantay dapat dahil pare-pareho lang silang nagbabayad. Parehong VIP ang kanina. Ginusot ko ang memo. Nasobrahan ako ng diin sa pagpirma kaya napunit ang papel. Tumayo ako at lumabas sa sariling opisina. Agad na tumayo si Mia sa pwesto niya ng makita ako. "Yes, Maam?" "Paki-print nga ulit ng binigay mong memo kanina," sabi ko. Hindi na ako nagpaliwanag kung bakit pero bumaba ang mata nito sa kamay kong bitbit ang nilamukos na papel. "Uh.. sige po, Maam." Bumalik ako sa loob at nagbasa ng mga emails. Kaso ni isa wala akong naiintindihan. "Oh, god! What is happening to me..." Napahilot ako sa sentido.  Hindi na naalis sa isip ko si Emil. Natatagpuan ko na nga lang ang sarili ko na naiisip na ang nangyayari pagkatapos ay napapa-iling. Hindi dapat ganoon ang takbo pagu-usap namin. Kaso na-trigger ako na parang kinakaya niya lang ako.  Bukod doon, hindi ko talaga nagustuhan ang naabutan ko pero may point din naman siya sa paliwanag niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at hirap akong tanggapin iyon. May malisya sa aking paningin ang bawat pakikipag-tawanana at paghawak niya kay Nika.  Siguro hindi lang dahil sa reason niya. Pakiramdam ko may iba pang dahilan. Baka gusto niyang ma-in love sa kanya si Nika? Kasi mayaman 'yon at isa lang siyang hamak na trabahador. Sa looks niya at sa pakikitungo ni Nika sa kanya. Tanga na lang siya kung hindi niya alam na nilalandi na siya ng dalaga. Pero pinapatulan pa din niya. "Ano ba!" inis kong sabi sa sarili sabay pukpok ko ng kamay sa lamesa. Ayoko na siyang isipin. Kung gagamitin niya si Nika para umangat sa buhay. Ano namang pakialam ko! Gwapo lang siya at maganda ang katawan. Hanggang doon na lang 'yon. Humahanga lang ako sa pisikal na anyo kaya siguro ganito ang reaksyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD