KABANATA 43: SINALUBONG ako ni Mia ng oras na makita ako. “Good morning, Maam! Tuloy daw si Engineer mamaya para sa meeting with his team.” “Sige.” Nagdire-diretso ako sa pagpasok sa office. Hinubad ko ang suot na blazer at nilagay sa rack. Umupo ako sa swivel chair at binuhay ang laptop. Hindi pa nag-iinit ang puwitan ko ng may kumatok at iniluwa doon si Emil na seryosong-seryoso ang mukha. Mabilis nitong ni-lock ang pinto. I frowned. I got nervous when I saw his face clearly. One look, you’ll notice he’s mad at me. Nahuhulaan ko na din kung bakit at para saan ang itsura niyang iyon. After what I heard about his Mom a while ago, heto na naman. Marahil ngayon lang niya napansin na may pumasok na sa account nito. “Sinabi ko na sa’yo na wala akong tatanggapin na tulong mula sa’yo. Ayaw