Chapter Eight |2|

1462 Words

Malayo ang nililipad ng isip niya kaya hindi niya napansin ang mabilis na paglabas ng dalawang big bike mula sa kakahuyan. Mga lalaking may hawak na armalite ang nagpapatakbo niyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya hindi agad sila nakabawi nang sa isang kisap-mata, sumabog ang kotseng nasa pinakaharapan—ang kinalululanan ng mga tauhan ni Don Devid. Mabilis ang naging kilos ng dalawang kasama niya. Naglabas ng baril ang mga ito at sinubukang paputukan ang mga lalaking nakasakay ng motor, ngunit mabilis na humabol ang mga ito sa kotse ni Don Devid at sunod-sunod iyong pinaputukan. "Gino! Naririnig mo ba ako! Gino!" Mabilis na kinuha ng lalaki ang communication radio nito nang marinig ang boses mula roon. "Ortega! Naririnig kita!" "Maghiwalay tayo sa dulo ng kalsada! Si Dahlia, siguraduhi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD