ILANG beses pinahid ni Rael ang basang panyo sa mukha matapos niya itong basain. Nakailang hilamos na siya ng tubig, ngunit kahit anong gawin niya, humahapdi pa rin ang buo niyang mukha dahil sa likidong sinaboy sa kaniya ng lalaki kanina. "Mahapdi pa rin ba?" Nilapitan siya ni Miss Jiya at hinawakan sa isang balikat. Hinawakan nito ang baba niya upang i-angat ang kaniyang mukha, saka nito sinipat. Bahagya siyang umiwas sa babae makaraan ang ilang segundo. Kunot ang noong tumango siya rito. Namumula na ang mga mata niya sa tindi ng hapdi. Maliban kasi sa mukha ay napasukan din ng likido ang loob ng mga mata niya. Sa hinuha niya ay tubig na may sili at paminta ang likidong sinaboy sa kaniya ng nakalaban. Amoy sili kasi ito at kanina habang naghihilamos, may nakapa siyang maliit at kulay