Binuga niya ang usok na laman ng kaniyang bibig habang mataman na nakatitig sa kisame. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa loob ng sariling kuwarto. Muling sumagi sa isipan niya ang pamilya. Siguro kung kasing-yaman lang siya ng don, o kahit hindi na ganoon kayaman, pero may sapat na pera siya para sa mga magulang at mga nakababatang kapatid, hindi sasapitin ng mga ito ang malagim na trahedyang iyon. Pumikit siya nang ang dating nobya na ang pumasok sa isipan niya. Muli niyang naalala ang mga gabing kasama ito sa magdamag. Si Paislee ang naging pahingahan niya sa nakakapagod na mundo. Pero sa mga oras kung kailan lugmok na lugmok siya, saka siya iniwan nito. Kaya niyang intindihin ang babae kung nagbigay lang sana ito ng kahit na isang rason, hindi iyong iniwan siya na parang basura. Tum