When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MAHABANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Rael matapos lumapat ang likod nito sa malambot na kama. Inilagay niya sa likod ng ulo at ginawan unan ang isang braso, saka tumitig sa puting kisame. Muling nagbalik sa isipan niya ang babaeng nakita kanina sa balkonahe. Mukhang mahiyain ito at hindi sanay sa ibang tao, o baka sadyang takot lang ito dahil sa mga nagbabanta sa buhay nito. Hindi niya mapigilang hindi isipin kung ano ang hitsura ng babae. Sa palagay niya, hindi magtatagal at makikilala rin niya ito. Malaki man ang mansiyon ay maliit pa rin ang mundo. Mas malaki ang tiyansa na sa mga susunod na araw, makikilala niya ang dalaga. Sa palagay niya ay hindi ito asawa ng don dahil mukhang mas bata ito kaysa sa inaasahan niya. Kinabukasan matapos maligo at makapag-ayos, wala pang alas-

