Chapter Thirty |2|

1039 Words

"Bakit, ate?" tanong nito nang mapansin na mataman siyang nakatitig dito. Nagtataka pa itong ngumiti sa kaniya. May ilang segundo pa siyang nanahimik bago umiling at pilit iniwas ang mukha mula rito. Muli sana siyang hahakbang pero agad ring natigilan at malakas na napadaing nang wala sa sariling naiapak niya ang paa niyang nananakit dahil sa aksidente kanina. Humigpit ang pagkakahawak ni Dahlia sa braso niya upang hindi siya tuluyang matumba. "Ate, punta na tayo sa room ko? May cream ako roon. Makakatulong iyon para mabilis na mawala ang p*******t ng paa mo." Kuyom ang mga kamao, pinilit niyang tumayo nang tuwid kahit pa kumikirot ang kaniyang paa. Umiling siya sa babae at sinubukan muli ang maglakad. "Ate Paislee, sige na. Sandali lang iyon, ha?" Nang ilagay ni Dahlia ang braso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD