Chapter Four

2031 Words
IBINABA ni Rael ang hawak na calling card at sinandal ang likod sa pader ng maliit na silid na inuupahan niya. Matagal siyang tumitig sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari sa buhay niya nitong nagdaang tatlong buwan. Hindi kamalasan ang dumating sa kaniya kundi trahedya. Hindi niya alam kung anong klaseng kasalanan ang nagawa niya sa dating buhay at pinahihirapan siya nang husto sa buhay niya ngayon. Bakit? Bakit kailangan mawala ang buong pamilya niya sa isang malagim na trahedya? Mahirap lamang sila at kung hindi pa dahil sa ipinapadala niya, hindi na halos makakain nang tatlong beses sa isang araw ang mga magulang at nakababata niyang mga kapatid. Marami siyang pangarap para sa kanila pero ngayon ay naglaho na ang mga iyon na parang bula. Idagdag pa ang nobya niyang iniwan siya nang walang dahilan. Kung kailan kailangang-kailangan niya ito, saka pa nito tinapos ang limang taong relasiyon nila. Napailing siya bago inabot ang isang bote ng alak sa ibabaw ng mesa. Walang pag-aalinlangan niya iyong tinungga at nilunok kasabay ng sakit na nararamdaman niya sa dibdib. Ilang taon ang tinapon ng nobya niya sa ginawa nitong pakikipaghiwalay. Anong nangyari? Akala niya, nagmamahalan sila. Suportado niya ito sa lahat ng bagay at halos ibigay rito ang lahat nang sa kaniya. Bakit bigla na lang siya nitong iniwan sa ere? Gusto niyang itanong dito ang mga bagay na iyon, pero ngayon, kahit ang mga texts at tawag niya ay hindi na sinasagot ng babae. Inubos niya ang natitirang laman ng bote ng alak saka tuluyang nahiga sa maliit na kama. Gusto niyang takasan ang reyalidad. Kung mananatili siyang gising, pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait. Pilit niyang ipinikit ang mga mata, sinusubukang hindi isipin ang mga nangyari hanggang sa tuluyan siyang agawin ng antok. UMUPO sa kandungan ni Rael ang isang babaeng halos kita na ang kaluluwa sa ikli ng damit na suot. Nakabuyangyang at ipit na ipit ang dalawang malulusog nitong hinaharap dahil sa suot nitong maliit na bra, at makikita ang bakat ng hiwa ng p********e sa nipis ng suot nitong shorts na kulay pula. Nakangiti itong yumuko upang magpantay ang mukha nila, bago inilapit ang mga labi sa tainga niya. "Wanna go somewhere... private?" Hinalik-halikan pa nito at bahagyang kinagat ang punong tainga niya. Hindi niya ito binigyan ng pansin. Muli niyang tinungga ang alak sa hawak na bote saka isinandal ang ulo sa inuupuang silya. Bahagya naman itong tumayo upang ayusin ang pang-ibabang suot saka muling naupo sa kaniyang kandungan, nakabukaka at paharap sa kaniya. Agad na tumakas ang mahinang ungol mula sa mapupulang mga labi nito nang maramdaman ang matigas at malaking bagay na bumubukol sa suot niyang pantalon. Hindi pa rin siya nagsalita at hinayaan lamang ito. Tuwid ang kaniyang tingin sa malayo. Malalim ang iniisip. Nagbuga siya ng hangin nang magsimulang gumiling ang babae sa kaniyang kandungan. Ikinikiskis nito ang lagusan ng kuweba sa nabuhay niyang alaga. Nang magsimulang umungol ang dalaga, saka niya ito binalingan ng pansin at mataman na tinitigan ang mukha. Morena ito. Hindi kasingganda ng dating nobya pero para sa isang bayarang babae, masasabi niyang may hitsura ito. Gamit ng malayang kamay ay hinawakan niya sa isang braso ang dalaga para pigilan sa ginagawa. Napahinto ito sa pag-dry hump saka siya binalingan ng dalawang pares ng kulay itim nitong mga mata. "Wala akong perang maipambabayad sa iyo. Umalis ka na," malamig niyang wika bago muling dinala sa mga labi ang bibig ng bote ng alak. Mabilis na sumilay ang nang-aakit na ngiti sa mga labi nito. "Hindi mo na ako kailangan bayaran." Matapos marinig ang bagay na iyon ay agad nitong hinuli ang mga labi niya. Hindi na siya tumanggi at ibinuka na lang ang bibig upang hayaang makapasok ang dila nitong kanina pa kumakatok sa mga labi niya. Mapusok ang babae, lalo na sa bawat paghawak nito sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. At kung hindi lang niya ito napigilan ay muntikan na rin itong maghubad roon upang ituloy ang ginagawa. Hawak ang isang kamay nito, mabilis silang lumabas mula sa loob ng Hell Bar kung saan nagtatrabaho ang babae. Bawat taong nakakikita sa kanila ay hindi mapigilan ang hindi sila panoorin dahil sa malaswa nilang ginagawa. Paano'y hindi na makapaghintay ang dalaga, sa daan pa lang ay nilalamutak na nito ang mga labi niya at kung saan-saan dumadapo ang mga kamay. Ganoon din siya rito. Nagmistulan silang bata na tila uhaw sa isa't isa. Nang marating ang boarding house na inuupahan, mabilis silang umakyat sa pangalawang palapag at pumasok sa ikatatlong silid sa kanan. Walang inaksayang oras ang babaeng bayaran. Pagkalapat na pagkalapat pa lamang ng likod nito sa higaan ay mabilis na nitong hinubad ang suot na damit. Ngayon ay hubo't hubad na ang dalaga sa kaniyang harap. Tinulungan pa siya nitong hubarin ang suot niyang camouflage shirt. Agad itong bumukaka sa kaniyang harap kaya malaya niyang nakikita ang p********e nito. Tila nasisiyahan naman ang dalaga sa isiping nakatitig siya sa lagusan nito. Tumulin ang bawat kilos nito at tila nang-aakit na dumapo ang mga daliri sa nakaumbok niyang sandata. Nang-aakit itong ngumiti bago malanding dinilaan ang mga labi. Umayos ito ng pagkakaupo at akmang ibababa ang mukha upang halikan ang nakaumbok niyang pantalon nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto. "Hoy—ay!" Malakas na tumili ang nanay ng kaibigan niyang may-ari ng boarding house na inuupahan niya. Gulat naman na niyakap ng babae ang hubad nitong katawan upang itago iyon sa ginang. Siya ay naiiling na umayos ng upo bago sumandal sa pader. "Walang hiya ka talaga, Rael! Ano na bang nangyayari sa iyo? Matapos mong umuwi mula sa probinsiya ninyo tatlong buwan na ang nagdaan, para ka nang nag-ibang tao!" Nagmamadaling dinampot ng bayarang babae ang mga hinubad nitong damit at akmang isusuot ang mga iyon, pero mabilis itong nilapitan ng ginang. "Hoy! Babae! Layas! Lumayas ka rito! Ngayon na!" Nilapitan pa nito ang dalaga at malakas na pinukpok sa balikat ng dalang pamaypay. "Kilala kita! Ikaw ang putang anak ni Marites! Mga imoral! Lumabas ka rito! Layas!" Nagbuga siya ng hangin bago inabot ang isang bote ng beer sa ibabaw ng bilugang mesa sa tabi ng kama niya. Binuksan niya iyon gamit ang ngipin at pagkatapos ay walang pakialam na uminom. Nang muling mabaling sa kaniya ang paningin ng ginang ay matalim ang mga mata nitong tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nailing pa ang babae habang nakatitig sa kaniya. Tila hinuhusgahan na siya nito sa paraan ng pagtitig nito. "Tatlong buwan ka nang hindi nagbabayad ng upa mo! Pinagbibigyan kita dahil kaibigan ka ng anak ko! Pero ganitong magdadala ka pa ng p****k dito! Aba, Rael! Sumusobra ka naman yata!" Kalmado pa rin siyang nakaupo sa kama at nakasandal ang likod sa pader. Nakatutok ang mga mata niya sa kawalan habang patuloy sa pagtungga ng beer. "Sinisira mo ang sarili mo! Kung ganiyan na rin lang, bibigyan kita hanggang bukas ng hapon!" Nagsimula itong muling pumaypay at tila nagtitimping umiling. "Oras na hindi ka pa rin nakapagbayad ng upa, magbalut-balot ka na! Mabilis na lumabas ng silid ang ginang at pabalag pang isinara ang pinto. Nang makaalis ito ay naiiling niyang nilapag sa ibabaw ng mesa ang beer saka nahiga sa kama. Tatlong buwan na rin pala. Tatlong buwan na rin niyang sinisira ang sariling buhay. Simula nang araw na iyon, hindi na niya sinubukan ang maghanap ng trabaho o ayusin ang sarili. Nagpakalunod siya sa alak at mga babae. Pumikit siya nang mariin. Nang maramdaman na hindi kayang hilahin ng antok ang kamalayan niya, muli siyang bumangon at dinampot ang bote ng beer. Iinom na lang siya hanggang sa hindi na kayanin ng kaniyang katawan at kusa siyang mawalan ng malay. Sa kaniyang pinagdadaanan, alak ang nagsilbing anesthesia niya upang maging manhid sa lahat ng sakit. Ito ang naging karamay niya. Noong mga sandaling iyon, wala na siyang trabaho kaya wala na rin siyang pera. Ang mga naipon niya ay unti-unting naubos sa gabi-gabing pagpapakalunod sa bar. Oras na hindi siya nakapagbayad bukas, mawawalan na rin siya ng tirahan. Wala sa sariling napangiti siya at umiling. Talagang patapon na ang buhay niya. Wala na siyang rason pa para magpatuloy. Muli niyang tinungga ang beer. Nakailang ilang bote pa siya bago tuluyang tinangay ng antok ang buo niyang sistema. Magkasalubong ang mga kilay, tuluyang napamulat ng mga mata si Rael nang marinig ang malakas na kalampog sa pinto ng kuwarto niya. Habang nakalukot ang mukha at kumikirot ang ulo, pinilit niya ang sarili na bumangon at naupo sa gilid ng kama. "Hoy, Rael! Buksan mo ito! Ano ba!" Lalong lumakas ang paghampas ng ginang sa pinto ng kaniyang silid. "Alas-tres na ng hapon! Wala ka man lang bang balak lumabas ng kuwarto!" Napasapo siya sa sariling noo matapos marinig ang galit na boses ng babae. Sa kabila ng mga naririnig niyang pagmumura nito at pagpupumilit na lumabas siya, nanatili siyang nakaupo at kampante habang nakatitig sa sahig. "Hindi ka ba talaga lalabas! Sinasabi ko sa iyo, Rael! Huwag mong hintaying mapuno ako! Ipapagiba ko itong pinto!" Nang marinig ang sinabi nito ay nailing na lamang siya bago pinulot sa sahig ang hinubad niyang pang-itaas, at saka isinuot iyon. Humakbang siya palapit sa pintuan saka iyon tuluyang binuksan. Dinantay niya ang kabilang braso sa gilid ng pintuan bago seryosong tinitigan ang ginang. Halos mamula na ang buong mukha nito sa galit. Namimilog ang mga mata at kulang na lang ay mapitid ang mga litid sa leeg nito. Tingin nga niya, kulang na nga lang ay manakit ito. Dinuro siya ng ginang ng hawak nitong pamaypay. "Hindi ka pa rin magbabayad? Kung ayaw mo, lumayas ka rito! Umalis ka na!" Kumunot ang noo niya kasabay ng bahagyang pag-iling sa lakas ng boses ng babae. "Bigyan n'yo pa ako ng isang araw," namamalat pa ang tinig niya mula sa pagtulog. Mabilis na umiling ang ginang. "Hindi puwede! Binigyan na kita nang tatlong buwan! Ano'ng ginawa mo? Wala! Puro ka alak at babae! Ngayon, lumayas ka! Kung ayaw mong ipapulis kita, umalis ka rito!" Kumuyom ang mga kamao niya dahil sa mga narinig na sinabi ng babae. Sa sandaling iyon, alam niyang wala nang punto ang makipag-usap dito. Nilalamon na ito ng galit kaya kahit anong sabihin niya, wala nang silbi. Tinalikuran niya ang ginang at walang pakialam na isinarado ang pinto. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya mapapakiusapan ang kaibigan na anak ng babae dahil noong huling buwan lang, lumipad na ito papunta sa Dubai para doon magtrabaho. Umupo siya sa gilid ng kama at nag-isip. Kung hindi siya gagawa ng paraan, sa kalye siya matutulog ngayong gabi. Bumaba ang paningin niya sa natitirang bote ng beer sa ibaba ng mesa. Hindi na siya matutulungan ng alak niya ngayon. Tanging sarili na lamang niya ang maaalala niya. Tumitig siya sa pader ng kuwarto. Nasa pangalawang palapag ng boarding house ang silid na tinutulugan niya pero dinig niya pa rin ang pagbubunganga ng nanay ng kaibigan niya sa ibaba. Muli siyang nailing nang marinig ang mga pagmumura nito. Isa itong retired teacher mula sa isang pampublikong eskuwelahan at balita niya ay ganoon din ito noon sa mga estudiyante nito. Bigla siyang natigilan nang may maalala. Mabilis na lumipad ang paningin niya sa maliit na basurahan sa dulo ng silid. Agad siyang tumayo at nilapitan ang basurahan. Binaliktad niya iyon upang matapon ang lahat ng laman sa sahig. May ilang mga lukot na papel ang nahulog, mga lagayan ng chicherya, takip ng bote at kung anu-ano pa. Inabot siya nang ilang minuto bago nakita ang bagay na hinahanap niya. Dinampot niya ang isang puting calling card at matagal iyong tinitigan. Nagbalik sa kaniya ang nangyari noong gabing may iniligtas siyang lalaki. Naalala niya ang sinabi nito matapos ibigay sa kaniya ang calling card nito. Inaalok siya ng lalaki na maging bodyguard kapalit ng bahay na matitirahan, makakain at malaking suweldo. Hindi niya alam kung tatanggapin pa rin siya ng lalaki, lalo pa't tatlong buwan na ang lumilipas, pero wala na siyang ibang mapagpipilian. Mas mabuti nang subukan niya kaysa matulog siya sa lansangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD