Chapter Twenty-eight |2|

1013 Words

Gusto niya sanang mang-usisa kay Dahlia, pero nang muli siyang hilahin nito, itinikom na lang niya ang bibig. Umakyat sila sa hagdan hanggang sa marating ang pinakatuktok. Sa itaas nito, tantiya niya ay nasa third floor na sila ng mansiyon. Ito pala ang sinasabi ng dalaga na secret stairs. Binuksan ng babae ang pintuan sa pinakatuktok niyon at pumasok sa loob. May kinapa naman ito sa gilid ng pader upang patayin ang umiilaw na string lights. Natigilan siya nang tuluyang makapasok sa loob ng silid. Malawak iyon, puno ng painting ang pader at napalilibutan ng mabalahibo at kulay rosas na carpet ang sahig. Nagkalat din ang bulaklak sa paligid, kaya sinalubong siya ng mabangong halimuyak mula sa mga bulaklak. Tumitig siya sa kanan, doon ay nakita niya ang salaming pinto ng balkonahe. Kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD