Chapter 12: Sorry Maaga akong nagising dahil maaga ako papasok. I need to talk to Walter. Baka may kung ano na syang iniisip. Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba na. Nadatnan ko doon si tita na nag-aayos na ng kakain namin pang breakfast. Wala pa si Jamie. Tulog pa siguro, 6:00 am pa lang kasi. "Tita! Goodmorning po!" Bati ko kay tita at hinalikan sya sa pisngi. "Aba! Ang aga mo ata ngayon? At tyaka, blooming ka ha? Yiee. Para sa manliligaw ko ba 'yan? Gusto ko na din ba sya ha? Ha?" Sunod sunod na tanong ni tita. Weh? Blooming ba ako? Parang hindi naman. "Hala tita, grabe ka naman. Maaga lang ako papasok kasi...ahmm. wala lang. Pero hindi ako blooming, lagi naman pong ganito ang ayos ko." Talaga naman eh. Hindi ko na lang sasabihin kay tita na kaya ako maaga papasok kasi m