Chapter 14: Okay [ YAMI's POV ] NATAPOS na ang all classes namin at uwian na pero ganoon parin, hindi nya parin ako kinakausap. Naiinis na ako ha? Ang arte arte nya. Hmp. Inayos ko na ang mga gamit ko at aalis na sana ng mapansin kong kami na lang pala ang nandidito sa classroom. Shems. Nasaan na yung iba kong mga kaklase? Paanong...kaming dalawa na lang ang natira dito? Pati sila Aaron? Nasaan sila? Eto na ba 'yun? Dapat na ba akong mag sorry? Inayos na nya yung bag nya at naglakad na...madadaanan nya yung pwesto ko. "Ahmm. Walter. Bakit hindi mo ako pinapansin?" Sabi ko nang makalapit na sya sa lugar ko. Tama ba yung sinabi ko? Parang mali. "Tsk." Yan lang? Sinamaan nya ako ng tingin at nagderetso na sa paglalakad pero hinawakan ko yung braso nya, "Ano bang problema mo ha?! Nu