Chapter 39: Almost Jeila's POV "Fire." Nakahanda na kami at nasa pwesto na nang mag salita si Zenith. "How about a deal?" nakangising tanong ni Zenith sa mga armadong men in black. Nandito pa rin kami sa entrada ng mismong pasilyo, nagtututukan ng baril. Nagsalubong ang kilay ng mga senyor sa harapan ag saglit na nag isip kung ano ang ibig sabihin ni Zenith sa sinabi niya. "What deal?" tanong ng senyor sa gitna. "Papasok kami sa loob," itinuro niya ang Caldwell. "After five minutes if we didn't show up, you're free to enter and drag us out and get Zeon." offer nito. I want to ask her what she's doing pero may kung ano sa loob ko ma nagsasabing magtiwala na lamang ako sa kung anong binabalak niya. Sandaling nag discuss ang mga men in black sa pamamagitan ng pagtitinginan, t