Chapter 18: Misunderstanding Jeila's POV Ivan at Jane. Ang mga pangalan na 'yan ang unang pumasok sa isip ko nang imulat ko ang mga mata ko. Ang dalawang pangalan na 'yan ang siyang dahilan ng pagnanago ko. Bakit nga ba may mga taong pahihirapan ka, 'no? Bakit trip ka nila kaysa sa sarili nila? Si Ivan, wala akong ibang ginawa kung hindi sundin lahat ng iutos niya sa'kin, tuwang tuwa kasi ako noon kapag pinupuri niya ako sa mga achievements na nagagawa ko. Minahal ko rin siya, minahal ko rin siya ng higit pa sa pagkakaibigan kahit alam kong hindi niya kayang suklian. Si Jane, wala akong ibang ginawa kung hindi pakisamahan siya at ituring na isang kapatid. Siya ang bestfriend ko noon. Akala ko kasi siya yung nag iisang tao na mananatili sa'kin hamambuhay, pero sa huli pera lang pala ng