NAGLALAKAD na kami ni Amanda papunta sa terminal ng jeep. Nakita kong nakatingin siya sa kanyang singsing. Nagpropose na rin kasi si Mr. Agustin sa kanya kanina. Mukhang nagplano talaga sila ngayong araw. “Amanda, pakiramdam ko ay may problema si Glecilda. Iyong mata niya ay malungkot,” sabi ko sa kanya. Nawala ang tingin niya sa kanyang kamay at tinignan niya ako. “Napansin mo rin ba, Lady? Habang masaya akong nagsasabi na binigyan ako ni mylove so sweet ng singsing, nakatingin lamang siya at nakangiti. Masaya siya for us pero something off sa kanya. Tingin mo kaya ay may problema talaga siya? Kanina namang umaga, okay siya, ʼdi ba?” sabi niya rin sa akin. “Okay nga ba siya kaninang umaga? Muntik na siyang ma—late kanina kaya hindi na natin siya nakausap. Naalala ko iyong boses niya, i

