FABIAN POV: NATAPOS na rin akong asikasuhin ang lahat ng work ko. Tumayo na ako sa aking swivel chair at lumakad palabas ng aking office. Kailangan ko ng puntahan si Zobel dahil kailangan ko ng tulong niya. “Agustin, mauuna na akong umalis sa iyo. Kailangan ko pang puntahan si Zobel sa company niya.” sabi ko nang madaan ang kanyang table. “Copy, Mr. Larkin. Tatawagan ko na si Phillip na pababa na kayo.” Tumango ako sa kanya at muling lumakad. Kailangan kong uminom at ilang linggo na sumasakit ang ulo ko dahil sa inaanak kong si Venice. Nang makababa sa lobby ay nasa harapan na agad ang kotse ko. Heto ang gusto ko kay Phillip, mabilis kumilos. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat, sinara rin iyon. Umikot siya sa driver seat at tinanong ako. “Sa company po ni Mr. Zobel, Sir Lar

