NAGLALAKAD na kami ni Amanda papunta sa room ni Mama. Pagkatapos nang matagal kong pag—iyak sa katawan ni Papa. Wala pa rin akong nararamdaman habang naglalakad kami.
“Sabi ng nakausap kong nurse, Lady, fifty—fifty raw si tita Barbara kanina, a—akala nga nila ay mamamatay na rin siya, mabuti na lamang ay lumaban siya.” Tumango—tango na lamang ako sa kanya. “We are here. Are you ready, Lady?” tanong niya sa akin.
Wala naman na akong magagawa kaya tumango ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng room 203, ang room ni Mama. Nakita ko sina tita Joli, tita Gina and tito Ariel na namamaga rin ang mga mata at mukhang umiyak na rin sila.
“Kanina ka pa namin hinihintay, Lady. Tignan mo na si ate Barbara.” Ngarag na boses ni tita Joli sa akin, sister siya ni Papa.
Tumango ako sa kanya at lumakad na ako palapit sa hospital bed niya. Nakita ko si Mama na may nakalagay sa kanyang ilong at maraming sugat sa kanyang mukha at magkabilang braso.
Napaupo ako sa chair na nasa gilid nuʼn at hindi ko na naman napigilang mapaiyak nang makita ko ang kalagayan ni Mama.
“Lady, be strong...” Hinimas ni Amanda ang likod ko. “Magiging okay rin ang lahat. Malakas si tita Barbara kaya paniguradong gagaling agad siya, okay?” mahinahon niyang sabi.
Tumango—tango lamang ako nang paulit-ulit kahit hindi pa rin tumitigil ang luhang kong tumutulo na naman. “A—alam ko naman iyon, Amanda... Pero, p—paano ko sasabihin kay Mama ang tungkol sa kamatayan ni Papa? Paano ko ipapaliwanag sa kanya? Paano, Amanda?” Nanginginig ang boses ko, gusto kong pigilan pero patuloy pa rin ang pagnginig nuʼn.
Gusto kong ipakita kay Mama na walang masamang nangyari kay Papa pero nakatatak sa isipan ko ang mukha ni Papa kanina, ang dami rin niyang sugat.
Hinawakan ko ang kamay niyang puno rin ng gasgas at sugat. “Ma? Mama. . . Iʼm sorry. Sorry dahil wala ako sa piling niyo ni Papa. Iʼm sorry dahil hindi ko alam kung anong klaseng pain ang nararamdaman niyong dalawa nang ma—aksidente kayo. . .” Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita ako. “Iʼm sorry. . . Mama, Iʼm sorry. Pangako ay gagawin ko ang lahat para bigyan kayo ng hustisya. . . Maging ang ibang nadamay sa aksidente at maging ang mga namatay rin. Ma, magpagaling ka, ha? Nandito pa ako. Handa akong tulungan ka. Handa akong alagaan ka. Ako na ang bahala sa iyo, Mama. Gagawin ko ang lahat—lahat para sa iyo. Kaya, Ma, magpalakas at magpagaling ka, ha?” Hindi ko namalayang pumapatak na ang luha ko sa bedsheets ni Mama. Ayaw tumigil ang tumigil ng mga luhang lumalabas sa aking mga mata.
Ayaw. Kahit pakiramdam ko ay sobrang dehydrate na ako.
Naiwan akong mag—isa sa room ni Mama. Lumabas si Amanda para bumili ng makakain namin, tita Joli, tita Gina, tito Ariel ay inasikaso naman si Papa na nasa morgue, sila na raw bahala sa burol ni Papa. Kaya sinabihan ko si tita Joli na kunin iyong barong ni Papa sa bahay namin, iyon ang susuotin niya sa kanyang burol kaya umuwi sa bahay namin.
Sa totoo lang nababaliw na ako. Iniisip ko na sana masamang panaginip lamang ito. . . Iyong tipong once na magising ako sa bangungot na ito ay sasalubong sa akin sina Mama at Papa na nakangiti at pinaghandaan na nila ako ng almusal. Miss ko na ang ngiti agad ni Papa. Miss ko na agad ang always niyang pagsabi ng corny na jokes. Sobrang miss ko na silang dalawa.
“Lady? Kumain na muna tayo.” Napatingin ako kay Amanda at pinakita niya ang paper bag ng isang fast food restaurant. “Mag—a—alas singko, alam kong nagugutom ka na rin kaya tara?” sabi niya sa akin at nilapag ang binili niyang pagkain sa table.
Umiling ako sa kanya. “A—Amanda, s—sa totoo lang ay hindi pa ako nagugutom, maging mauhaw ay hindi ko maramdaman. Pakiramdam ko ay busog pa ako. . . Hindi rin kumukulo ang aking tiyan, kaya ikaw na muna ang kumain. Hihintayin ko si Mama na magising para may kasabay siyang kumain.” Pilit kong ngumiti sa kanya, hindi ko alam kung ngiti pa ba iyon, or isang ngiwi na.
“Talaga bang hindi ka nagugutom? Masarap ito, favorite natin itong kainin, Lady. Ayaw mo ba talagang kumain?”
Tumango ako sa kanya. “Mamaya ay kakainin ko iyan pero sa ngayon ay hindi pa talaga akong gutom. Salamat. Ikaw muna kumain, Amanda.” sabi ko sa kanya.
Tinignan niya akong mabuti. “Kung iyon ang gusto mo. Mauuna na muna akong kumain, gutom na talaga ako, Lady. Iiwan ko rin ang pagkain mo, ha? Kainin mo once na magutom ka at ito rin ang tubig.” Tumango ako sa kanyang seryosong mukha. Umiwas na rin siya ng tingin at pumunta sa isang table para makakain na siya.
Hindi ko talaga maramdaman ang sarili. Hindi ko alam kung gutom na ako. Hindi ko alam kung uhaw na ako. Hindi ko alam kung pagod na ako. Hindi ko alam, basta ang nasa isip ko ay nasasaktan ako ngayon. Iyon ang nasa isipan ko, masakit.
Hawak ko pa rin ang kamay ni Mama at pilit siyang ginigising ngayon, pero wala talaga siyang response sa akin.
Handa akong lumaban para kay Mama. Kung kaya kong huwag munang sabihin sa kanya tungkol kay Papa ay gagawin ko para maging safe ang recovery niya.
“Lady? Lady Mae?”
Narinig ko ang pangalan ko. Naririnig ko ang boses ni Papa.
“Lady Mae? Gumising ka na?”
“P—Pa?” ungot ko sa kanyang pangalan. Nakita ko ang malaking ngiti ni Papa. Lumapit ako sa kanya pero palayo naman siya nang palayo sa akin. “Pa! Papa, teka lang! B—bakit ka lumalayo sa akin? Papa, hintayin mo ko! Papa!” malakas kong sabi habang tumatakbo ako palapit sa kanya.
“Papa!” Sobrang layo na niya sa ako. Hindi ko na siya maabot hanggang mawala na siya sa paningin ko. “Papa, sandali lang naman! Hintayin niyo ko! Isama mo ko, Papa!” Umiiyak na sabi ko at lumuhod sa direksyon niya. “Pa!” sigaw ko sa kanyang pangalan, pero walang bumalik. Hindi siya bumalik para sabihin sa aking hindi siya umalis.
Wala.
“Lady? Lady Mae, gumising ka!”
May naramdaman akong umaalog sa aking katawan, kaya hindi rin nagtagal ay nagising ako. Napalingon ako sa paligid puro puti ang aking nakikita.
“Ayos ka lang ba, Lady?”
Napalingon ako sa aking kanang bahagi, nakita ko roon si tita Joli na bakas sa mukha ang pag—aalala. “Um, b—bakit po, tita Joli?” tanong ko sa kanya.
Naalala kong nasa hospital pala ako. Naalala kong na—aksidente sina Mama at Papa—wala na si Papa.
“Umuungol ka. Tinatawag mo si kuya Leo, Lady. A—ano bang nangyari sa iyo? Anong napanaginipan mo?”
“Panaginip? Binabanggit ko ang pangalan ni Papa?”
Tumango siya sa akin. “Paulit—ulit, Lady. Nakita ko ring umiiyak ka na kaya pilit kong gisingin ka talaga.
Napasinghap ako sa kanyang sinabi. “Tita Joli. . . N—napanaginipan ko si Papa. Tinignan lang niya ako at n—ngumiti sa akin. W—wala siyang sinabi sa akin, b—basta na lamang siyang umalis, Tita Joli. H—hinabol ko siya. Pinilit ko siyang habulin pero ang bilis niyang lumakad, tumatakbo na ako para mahabol lamang siya pero wala. H—hindi ko pa rin siya naabutan, Tita Joli. Gusto ko lang naman siyang itanong kung bakit niya agad tayo iniwan? K—kung masaya ba siya kung nasaan siya ngayon at kung m—maayos lang ba ang kalagayan. Iyon lang gusto kong itanong at marinig sa kanya, ayos siya para mapanatag na rin ako. Gusto ko ring sabihing mahal ko siya. Gusto ko ring sabihing nagpapasalamat ako dahil siya ang naging Papa ko sa dinami—raming lalaki sa mundo. Kaya sa susunod na ipapanganak ako, siya pa rin ang gusto kong maging Papa. Gusto ko pang sabihin na the best dad siya. Walang makakatalo sa kanya.” Patuloy na umaagos ang luha ko. Sa bawat wipes ko sa aking magkabilang pisngi, hindi nauubusan ang luhang tumutulo roon.
Niyakap ako ni tita Joli. “Lady, proud din si kuya Leo sa iyo. Proud siya dahil ikaw ang naging anak niya. Proud siya simula noong pinanganak ka pa niya. Walang araw na hindi ka pinagmalaki ni kuya Leo. Ni—ayaw ka ngang ipahamak sa iba, maging sa magulang namin. Mahal ka rin niya, Lady. Kung nandito si kuya Leo, ikaw rin ang pipiliin niyang maging anak. Kaya tatagan mo ang loob mo para kay ate Barbara, ha? Tatlo na lamang tayong lumalaban. Tandaan mong nandito ako para sa inyo ni ate Barbara. Kaya kapag may kailangan kay sabihan mo ko. Huwag mong sarilihin niyang guilt sa puso mo? Nandito kaming pamilya mo, Lady.” bulong ni tita Joli sa akin kaya lalong lumakas ang aking pag—iyak.
Matagal ng patay ang grandparents ko kay Papa, I was in elementary nang mamatay silang dalawa sa sunog. Nagkaroon ng sunog sa bahay na tinitirahan nina loloʼt lola, hindi sila nakalabas dahil hating gabi na iyon at si tita Joli na kasama nila sa bahay ay nasa trabaho bilang call center agent. Naka—receive lang kami ng tawag na may sunog sa kabilang barangay, pumunta kami pero nalaman naming na—trap sina Loloʼt lola sa bahay nila. Bale limang tao ang namatay kabilang doon ang grandparents ko. Sobrang sinisisi ni tita Joli ang nangyari pero aksidente iyon at nag—umpisa ang sunog sa ibang bahay, nadamay lang ang sa kanila. Dahil doon ay hindi na nag—asawa si tita Joli, nangako siyang aalagaan ang bahay na nasunog, pinaayos niya iyon kaya roon siya nakatira.
Sa grandparents ko naman kay Mama, wala siyang sinasabi sa akin ganoʼn din si Papa, hindi rin sinabi sa akin kung patay or buhay pa ang parents ni Mama. Kaya wala akong kinilalang loloʼt lola sa side ni Mama.
“Tumahan ka, Lady.” Pinunasan ni tita Joli ang pisngi ko. “Kumain ka na rin muna. Hindi ka pa raw kumakain ng snacks and dinner sabi ni Amanda.” dagdag niyang sabi sa akin.
Tinignan ko si tita Joli nang marinig ko ang boses niya. Doon ko lang napansing may dala siyang styro foam na may pangalan ng isang fast food restaurant. Iyon ang binili ni Amanda kanina.
“W—wala po akong ganang kumain, Tita Joli. Pakiramdam ko po ay busog ako dahil sa nangyari kanina.”
“Lady, huwag mong sabihin niyan. Paano mo aalagaan si ate Barbara kung maging ikaw ay magkasakit din dahil hindi ka kumakain? Pilitin mong kumain, kahit kaunti lamang.” Pinahawak niya sa akin ang styrofoam na may lamang pagkain.
“S—sige po, Tita Joli.” Napatingin ako kay Mama.
“Ako na muna magbabantay kay ate Barbara. Kumuha rin akong damit, magpalit ka muna. Pumunta rin ako sa Maravilla University para sabihing namatayan at baka isang linggo kang hindi makapasok. Umokay naman na sila kaya huwag kang mag—alala.” Ningitian ako ni tita Joli at tumango ako sa kanya.
Umalis ako sa tabi ni Mama at kumain dito. Kailangan kong maging malakas. Kailangan kong maging matatag para kay Mama.