LADY POV PILIT kong tinatago ang aking ngiti sa labi habang hindi ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Gusto ko na makita si daddy Fabian. “Huy, Lady, sabihan mo si Mr. Larkin na need mong kasama sa 9th floor, ha? Sige na!” Kinukulit pa rin ako ni Amanda. Kung alam lang niyang sinabi ko na kagabi ang tungkol doon, pero magugulat naman siya kung bakit ko kausap ng gabi si daddy Fabian. Kaya quiet na lang muna ako. “Oo na. Oo na. Sasabihin ko mamaya. Easy ka lang,” sabi ko sa kanya. “Eh, baka makalimutan mo, ʼdi ba? Para naman may kasama ka na rin sa 9th floor! Bongga, ʼdi ba?” Napailing na lamang ako. Tumunog na ang bell, hudyat na start naʼng duty namin. Lalabas na sana kami ng bumukas ang pinto at nakita namin si Miss Chelley. Bakit nandito siya? “Reyes?” Napatingin kami kay Am

