FABIAN POV: “MISTER Larkin, tumatawag ang driver ni Ms. Venice. Mukhang hinahanap na kayo at any minutes ay mag—uumpisa na ang fashion show niya.” Sinulyapan ko si Agustin na nasa likod ko ngayon. Nasa meeting ako ngayon para sa new laptop na ilalabas namin, mas pina—level up kaysa sa previous naming mga laptop. Detachable ito na pʼwedeng maging tablet, and it is foldable na pʼwedeng maging phone naman. “Huwag mong sasagutin. Hayaan mo ang Rod na iyan. Mas importante itong business meeting kaysa fashion show na iyan. She can excel kahit hindi tayo manood.” Tumingin muli ako sa harap na dine—demo ng staff ko from product department. “Copy, Mister Larkin.” Hindi ko siya inintindi pa at muling tumingin sa aking harapan, hanggang matapos ang meeting namin. “Congratulations, Mister La

