LUMABAS na kami ng office room niya at sumakay muli kami sa elevator. “L—Lady, n—nagsalita ako nang mahaba, right? Oh my gosh! Nag—complain ako! Hindi kaya tayo ligwakin na?” Natataranta niyang sabi sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi naman siguro, Amanda. Base rin sa boses niya ay hindi siya galit, ngumiti pa nga siya sa atin,” sabi ko sa kanya. “But, what if... Ngumiti lamang siya dahil ipakita na okay lang pero deep inside na rejected na talaga tayo sa kahit anong position na pʼwede rito!” malakas niyang tanong sa akin at hinawakan ang aking magkabilang kamay. “Oh my gosh! Sorry, Lady! Mukhang maging ikaw ay mapapasama sa downfall ko!” Namumutla na naman siya. “Downfall mo agad?” Tumango siya sa akin. “Think positive lang, Amanda. Sinabi mo naman iyong hinaing para mag—impr

