NAKARATING kami sa beach resort na pagmamay—ari ni Mr. Zobel, sa kanya ang resort na ito kaya pala sinabi niyang mag—enjoy kami. Lumabas na ako sa kotse, napapikit ako nang tumama ang hangin sa mukha at buong katawan ko. Naaamoy ko na rin ang dagat kahit malayo pa kami pampang. “Baby, are you excited? Two days tayo rito, donʼt worry,” sabi ni daddy Fabian at kinuha na niya ang mga gamit namin, kaya nagmadali akong kumilos. Kinuha ko nang maleta at bag, maging ang isang back pack ni daddy Fabian, nilagay ko iyon sa maleta ko. “Baby, ako na bahala sa gamit natin—” “Nope! Kaya ko na po ito! Sabi mo ikaw ang magluluto ng dinner natin?” sabi ko sa kanya. Alas—sais ʼy trenta na, naabutan talaga kami ng traffic kahit hindi pa rush hour kanina, kaya naabutan kami dahil sa lakas ng ulan. “I k

