PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi June 19, 2016 Part 40: Ang Kwento ni Ibarra 1 Anim na buwan ang lumipas, habang abala kami ni mama sa pag tatanim ng gulay sa harap ng aming dampa ay hindi inaasahan na makikita namin si papa na nag lalakad patungo sa amin. Naka suot ito ng kulay pilak damit at sa likod niya ay punong punong mga laruang naka lagay isang malaking bag. Sa sobrang tuwa ni mama ay mabilis na nag tatakbo ito at sinalubong ng yakap ang aking ama. "Seth!