Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 38: Ang Natatanging Lakas “Hindi na masama Ibarra, mukhang umunlad ka rin sa pag lipas ng mga taon.” ang wika ng kalaban “Ikaw rin..” ang sagot ni Ibarra sabay labas ng tatlong buto sa kanyang kamay. Ipinakita niya ito sa dating kaibigan at marahang inilaglag sa lupa ang mga buto. Pumikit siya.. Tahimik.. Noong imulat niya ang kanyang mata ay nag liwanag ito ng husto at kasabay nito ang pag yanig ng lupa sa buong paligid dahilan para mawala kami sa balanse ng aming pag tayo. Mula sa tatlong butong nahulog sa lupa ay umangat ang tatlong higanteng puno na gumapang sa lupa ang mga ugat dahilan para yumanig ito ng husto, gumapang rin ang dambuhalang mga baging nito sa buong palasyo at isa isang pinaluputan ang mg