Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 18: Ang Engkantong Sirena "Good morning po papa!" ang masayang wika ni Tob sabay yakap sa akin. Isang maaliwalas at magandang umaga ang sumalubong sa akin noong mga sandaling imulat ko ang aking mata. Ang ngiti ng aking anak ay nag bibigay ng positibong pakiramdam at kakaibang gaan sa aking puso. Matapos niya akong yakapin ay bumaba naman ito kama at bumati rin kay Ibarra, niyakap niya ito at saka kinulit ng kinulit para magising. Ako naman natawa nalang dahil ang sarap nilang pag masdan na mag kasundo. Kung sa bagay ay dati pa naman silang mag kaibigan, nauna pa nga siya sa akin na makilala si Ibarra kung tutuusin. "Papa, mag picnic tayo sa labas isama natin si Ibarra." ang wika nito habang sumasampa sa aking kama. "Hmmm, dito nalang tayo sa bahay dah