Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 59: Ang Gintong Buhangin Pinag masdan naming ang tubig at doon ay kapansin pansin ang pag babaw nito na tila unti unting natutuyo. Mula sa malalim anyo ay unti unting lumitaw ang bundok ng Hiraya mula sa pag kakalubog nito. At makalipas pa ang ilang minuto ay tuluyan na ngang humupa ang tubig. Mula dito sa itaas ay nakita namin si Ivo nakasuot ng kulay asul na kalasag na parang gawa sa kaliskis ng dragon. Ilang sandali rin ito sa ganoong pag tayo hanggang sa maya maya ay dumilat ito at mabilis na lumipad sa aming kinaglalagyan. Nag handa kami ni Ibarra sa kanyang pag atake hanggang sa makarating ito sa aming kinalalagyan. Kapwa kami umiwas sa kanyang pag atake kaya't ang nahawakan niya ay ang higanteng pader na nilikha ni Ibarra upang pig