Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 33: Pista ng Dugo "Parating na sila dito." ang wika ni Sam habang nakalutang ang paa sa ere at pinag mamasdan ang hukbo ng mga blood sucker na sasakay sa baryo. "Nasa mahigit limang daan (500) ang bilang nila, ang iba ay patungo sa ibang bayan ngunit tila nahalina sila sa kakaibang amoy ng ating dugo kaya tayo ngayon ay maaaring target rin nila." "Ang sabi sa mga kasulatan, ang amoy daw ng ating dugo ay parang prutas. Matamis ito at katakam-takam para mga manlikmot sa iba pang nilalang kaya hindi nakapag tataka na dudumugin talaga ang baryong ito." sagot ni Tembong habang nag hahanda. Agad akong humarap sa mga taong baryo, huminga ako ng malalim at nag wika. "Lalaban tayong lahat! Hindi tayo mag papagapi! Oo nga't matalas ang kanilang mga pangil nguni