Part 46: Ang Utos ng Hari

1862 Words

Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi June 23, 2016   Part 46: Ang Utos ng Hari   Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking harapan noong bumugso ang galit ni papa at isiwalat niya ang katotohanan. Halos natutulala ang lahat, pati ang mga tao sa aming paligid ay natahimik din. Si mama naman ay patuloy pa rin sa pag iyak habang ako naman ay tila nakaramdam ng matinding pang hihina. "Tama na Omar! Tamaaa naaa!" ang narinig kong sigaw ni Manang Bering habang tumatakbo sa aming kinalalagyan.   "Huwag kang makialam rito manang Bering. Problema namin ito. Problema ito ng pamilya at ang isang matandang katulad mo ay dapat manahimik na lamang!" ang singhal ni papa.   "Bastos ka talaga Omar, kalahati ng buhay ko ay inalay ko sa pag aalaga sa iyo. Hindi ko akalaing lalaki ka ng may sungay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD