“SINASABI mo bang hindi ako matalino, ha? Recite ko pa business plan ng chain restaurant ko ng walang tinginan, eh. Ano?” pagmamayabang ni Carter at dinuro ito. Walang tinugon si Caleb kundi pagtaas lamang ng mga kilay na tila ba nanghahamon. “Tangina talaga nitong gago ‘to, ang yabang,” dugtong ni Carter at masama na sumipat muli kay Caleb. “Baka tanungin kita ng mga mother's sauces at hindi mo masagot, ha?!” ”Ganyan ‘yan si Caleb,” iiling-iling na wika ni Cooper at dismayado na pumalatak. “Mayabang ‘yan. Baka kapag ni-recite ko ang fourty-seven thousand codes ng airport baka magsisi ka sa sinabi mo, ha?” “Wala ka ring alam sa hospital equipment kaya huwag mo akong yabangan, Villaruiz,” seryoso na wika ni Nikolas at inayos ang suot nitong necktie. “At saka mo na ako yabangan kapag sa