HUMINGA nang malalim si Ynah bago inihanda ang sarili para sa pakikipaglaban sa lalaki. “Huling banta ko sa iyo. Sumuko ka na.” Itinutok sa kanya ng lalaki ang maliit na kutsilyo at nanlisik ang mga mata na lumapit sa kanya. “Huwag kang lalapit kundi ikaw ang isusunod ko.” “You’re so stubborn,” wika niya sabay iling. Hinanda niya ang sarili at sinugod ito. Nang mag-akma ito na iuulos ang maliit na kutsilyo sa kanyang tiyan ay mabilis ang kanyang ginawang pagkilos at nakailag. Hinuli niya ang kamay nito at sinipa ito sa tiyan dahilan para mabitawan nito ang kutsilyo na agad niyang sinipa palayo. Galit na sumugod ang lalaki sa kanya at nabigyan siya ng suntok sa mukha matapos ang mga ilang pagsubok. Mabilis siyang nakahuma at dinura ang dugo na lumabas sa kanyang sugat at nanghahamom na