“OBVIOUS ba?” natatawang tanong ni Ynah sabay sinalat ang pisngi. Sabay sila na napangiwing tatlo bago nakita ang pamumula ng mukha nito. “God, you are weird when you fall in love,” ani Kayden sabay umiling-iling. “Nagiging babae ka.” “Tang-ina nito. Anong akala mo sa akin noon, lalaki?” tanong ni Ynah sabay mahinang sinuntok ang kanyang balikat. Bahagya siyang natawa at tumango. “Oo, eh. Kaya nga kita naging best friend.” Pabirong sinalat ni Ynah ang dibdib at nasasaktan na sumipat sa kanya. Tumingin ito kina Cooper na ganoon rin ang reaksyon. “Mga kupal talaga kayo,” asik ni Ynah at isa-isa silang tiningnan nang masama. “Tang-ina, lalaki lang ako kumilos pero nahuhulog din ang loob ko sa mga kalahi ninyo.” “Oo, tas mahuhulog ka na nga, sa tao pa na dapat ikasal sa kambal mo,” pang