“SIR!” sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang alarmang sigaw na iyon mula sa bagong sekretarya ni Xavier na si Gersy. “Ano po ang nangyari? Bakit... bakit po kayo napuruhan?” Lahat ay tumingin sa kanya kaya naman napasunod ng lingon sa kanya si Gersy. Ang akala niya ay pagagalitan siya nito, ngunit sa halip ay nanghingi ito ng tawad at hinampas si Xavier nang malakas sa braso. “Ipagpaumanhin ninyo na po si Sir Val, lasing na po kasi kaya iuuwi ko na po siya sa kanila,” wika ni Gersy para matigilan silang lahat. Nakangiti na hinawakan nito sa braso si Xavier ngunit nagpumiglas ang kaibigan. “Ms. Perez, I am not drunk!” matigas na sita ni Xavier at masama na tumingin sa kanya. “Dapat lang mapagsabihan iyang si Gonzales sa mga pinagagagawa niya—Aray! Bakit ka ba namamalo?” “Halika