NAG-IGTINGAN ang panga ni Kayden bago niya ito tiningnan nang matalim. Pinigilan niya ang sarili na sakupin ang labi nito at marahas itong ihiga sa kama. Kapag ginawa niya iyon ay wala nang urungan pa kaya naman hanggang sa maari ay pipigilan niya ang sarili. Once he lose it, there’s no turning back. At hindi niya iyon kayang gawin habang hindi nito alam ang totoo. Three years have been an agony. And he planned to stay that way as long as he could stay with Patrice. Kahit nakakabalisa. Kahit nakakabighani. Kahit nakakawala ng bait. Handa siyang harapin ang lahat ng iyon makasama lang si Patrice. He’s a sucker for her. Baliw na kung baliw. Tanga ng kung tanga. He doesn't give a f**k. As long as he could be with Patrice, he will move mountains just for her. “No?” pilyo na tanong ni Patrice