KUMURAP-KURAP si Patrice upang ikumpirma ang kanyang nakita, ikumpirma ang kanyang natuklasan. Na baka namamalikmata lamang siya o hindi ba kaya ay nananaginip siya ng gising. Ngunit hindi. Walang nagbago sa kanyang nasilayan dahil mas lalo lamang itong naging malinaw sa kanya. Sigurado siya noon na takot magpalagay ng tattoo si Ayden dahil takot ito sa karayom. Alam na alam niya iyon sahil nabanggit nito noon sa kanya nang bago pa sila kinasal. Naalala niya pa kung gaano niyo pinangako sa kanya na hinding-hindi siya magpapalagay ng tattoo hindi gaya ng kambal nito. Pero ano itong kanyang nakikita? Maiintindihan niya pa kung maliit iyon na tattoo sapagkat hindi. It was a tribal style tattooed on his chest to his side down to his navel. It was long and incredibly looked rigged on him. At k