“UMUWI ka na sa inyo. Huwag kang duwag,” wika ni Ynah para maalimpungatan siya habang natutulog sa sofa. Inalog pa siya nito gamit ang paa at sinipa siya nang malakas. “Gumising ka na diyan!” Umungot si Kayden at lulugo siyang napaupo. Pagkatapos nang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpatumba ng higa para sipain na naman siya ni Ynah nang paulit-ulit. “Oo na, ito na nga. Gigising na,” wika ni Kayden sabay hinawi ang paa nito. Umupo siya at napasimangot sa harap nito. Ynah stared at him and kissed him on the lips. Nang humiwalay ito ay naikiling nito ang ulo na para bang may hinahanap itong sagot. Doon pa siya nakahuma sa ginawa ni Ynah kaya bigla siyang napalayo dito. “Kadiri naman, Ynah,” reklamo niya sabay eksaherada na nagpunas ng labi. “Mukhang hindi ka pa nag toothbrush, ah