“HOW can you be so sure?” panghahamon na tanong niya sa asawa. “Paano ka nakakasiguro na wala na? Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? I am willing to start over. Kung hindi mo na ako mahal.. I will make you love me again.” “Patrice, you don’t understand...” wika nito sa nadidismayang tono. “Maybe I don't. And I don't want to understand,” pagmamatigas ni Patrice at nilingon ito kahit hindi niya ito nakikita. “Ayokong maghiwalay tayo, Ayden. Ayoko...” “But we need to,” mariing pagtutol nito at sinapo ang kanyang magkabilang braso. “I don’t love you anymore.” “I don’t care...” asik ni Patrice sa pagitan ng kanyang munting paghikbi. “There’s a reason why you stay with me even if you don't love me anymore. Kung hindi mo na ako mahal, tuturuan kitang mahalin ako ulit. Ngayon ako naman ang manlil