NAGHINTAY ako ng mahabang sandali dito sa patio. Inayos ko na rin ang sarili ko at inalis ang lahat ng mga luha sa aking mga mata. Kailangan kong maging presentable sa harapan ng mga anak ko. Kailangan ay maging masayahin ako para makuha ko kaagad ang mga loob nila. "Okay lang po ba kayo, Ms. Jill?" tanong ni Kuya Bert na naririto lang sa malapit at patuloy akong binabantayan. I looked at him and forced a smile. "Okay na ba ang hitsura ko? Hindi ba ako marungis?" He smiled back. "Kayo pa rin po ang pinakamaganda at pinakamatapang na Jill na nakilala ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya, pero tagos sa puso ko ang sinabi niyang pinakamatapang. Matapang ba talaga ako? Maraming beses na akong sumuko sa buhay kong ito, but hell... nandito pa rin ako, nananataling nakatayo at matapang