NAGKAROON kami ng oras ni Gretchen na maibahagi namin sa isa't isa ang mga naging buhay namin simula noong kami ay mga bata pa lamang. Nasabi ko rin sa kanya ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Manang Flora, pati na rin ang mga ginawa ni Dad para sa kanya noon. I also shared with her about my life with Dad. Pareho kaming nakaranas ng hindi masayang buhay, bagaman masasabi kong maswerte pa rin kami. May mga nagawang mali sa akin si Dad pero ngayon ko lang na-realize na hindi naman niya itinapon sa kung saan lang ang mga anak ko. Siniguro pa rin niya na safe sila sa piling ng kanilang ama. Parang ganun din ang ginawa niya sa amin ni Gretchen. Hindi niya pinabayaan ang bunso kong kapatid kahit hindi niya ito nakasama. Siguro ay hindi rin naman niya sinasadya na gamitan ako ng dahas noon, d