Shynelle "Ch-Chase--uhmm..." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa patuloy niyang pag-angkin sa mga labi ko. Masyado nang mapusok, maalab at mainit ang mga halik niya na kahit ako ay nahihirapan na ring labanan pa. Tuluyan na rin niya akong binuhat at dinala sa malapad na sofa. Dito niya ako inihiga habang patuloy na hinahalikan sa mga labi. Maya-maya'y pinakawalan din niya ang mga labi ko at inilapit sa akin ang isang pumpon ng pulang mga rosas. "For you," aniya nang may ngiti sa mga labi. Tahimik ko naman itong tinanggap at dinala sa ilong ko. Nalanghap ko naman kaagad ang romantikong aroma nito, with sweet and spicy honey, apple, and cinnamon notes. "I can give you flowers every day from now on." Marahang hinaplos ng mga daliri niya ang pisngi ko. Hindi naman ako sum