SINAMAHAN ako ni Patrick na umuwi sa bahay namin sa Makati, pero totoong wala na doon si Papa. Si Mama na lamang ang nakausap ko at hindi niya rin daw alam kung saan nagtungo ang gago niyang asawa. Wala na rin dito si Mila, ang panganay na anak ni Kuya Melchor. "Patawad, anak. Wala akong alam sa mga ginawa niya," humahagulgol na turan ni Mama sa harapan ko. "Ilang beses ko nang sinubukang iwan siya dahil sa mga pananakit niya sa akin, pero palagi niyang pinagbabantaan ang buhay mo... Ayokong magulo ang buhay mo kaya nanatili na lamang akong tahimik at sunod-sunuran sa kanya... Patawarin mo 'ko kung pakiramdam mo ay hindi ka mahalaga para sa akin... Alam ng Diyos kung gaano kita ka-mahal." Hindi ko na rin napigilan pang humagulgol sa harapan niya. "Kasalanan ko naman ang lahat ng ito, k