APAT NA MGA BODYGUARD ko ang sumalubong sa akin sa airport. Sila pa rin 'yong dating nagtatrabaho sa akin noong naririto pa ako sa Pilipinas. Kaagad ko silang ipina-contact kay Manang Flora kahapon pa lang para may makatulong ako sa mga bagahe ko. At hindi rin ako nagkamali. Maraming mga journalist at paparazzi din ang sumalubong sa amin kaya nakaagaw kami ng atensyon ng mga taong naririto. Kaagad nila akong pinagkaguluhan kahit nag-cover na ako ng mga jacket, sumbrero, at sunglasses. They still recognized me. Humarang naman sa kanila ang mga bodyguard ko. "Ms. Jill, may ilang katanungan lamang po kami tungkol sa pagkamatay ng inyong ama." "Babalik na po ba ulit kayo sa showbiz dito sa Pilipinas?" "Paano niyo po hinaharap ang buhay ngayong wala na ang inyong ama?" "Gaano po ka-totoo