Shynelle "Mommy! Daddy!" Nagising akong bigla sa pagdamba sa akin ni Sunnie. "Sunnie... Hmm!" napadaing pa ako nang madiinan niyang bigla ang puson ko gayong naiihi na ako! "Bakit wala na 'kong katabi?! Daddy!" Nagpumilit siyang pumunta sa gitna namin ng ama niya. Nagising na rin si Chase at kamuntik pang mahulog sa gilid ng kama! "Kita pa dede mo. You don't have any clothes, Mommy!" Napayuko naman akong bigla sa katawan ko at doon ko nakitang nasa baywang ko na lamang ang kumot at nakabuyangyang ang mga s**o ko! Mabilis ko namang hinila ang kumot at itinakip muli sa katawan ko. "Mainit kasi kagabi kaya naghubad ako," sagot ko sa kanya. Umusod na ako patungo sa kabilang bahagi ng kama upang magkaroon sila ng space ng daddy niya. "Good morning, baby," inaantok pang bati sa kanya ng