THIRD PERSON POV SUNOD-SUNOD ang ginawang pagtungga ni Gretchen sa bote ng alak na hawak niya ngayon. Kasalukuyan siya ngayong nakaupo sa isang stool sa harap ng bar counter na pina-exclusive ng isa sa mga artistang kaibigan nila upang mag-celebrate ng birthday. Hindi alintana ni Gretchen ang mga kaibigan niyang nagkakasiyahan sa gitna ng entablado at sabay-sabay na gumigiling. Muli siyang humithit sa sigarilyong hawak niya at ibinuga ang usok nito sa itaas na bahagi ng kanyang mukha. Matapos nito ay muli niyang tinungga ang bote ng beer niya. Makailang-ulit na niyang tinatawagan ang numero ng fiancé niyang si Charm ngunit hindi ito sumasagot, na alam niyang sa mga oras na ito ay nakauwi na ng bahay at kasama nang muli ang mga anak at ang dating girlfriend. Samo't saring senaryo na ang