"AT anong kaanuhan iyon, ha, Kara?" 'Pagkapasok na 'pagkapasok pa lang ni Kara sa staff room ay bumungad na agad si Violet sa kaniya habang magkakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Samantalang si Keyla naman ay nakaupo sa upuang malapit kay Keyla habang abala sa pagkain ng halo-halo. Mariing lumunok si Kara at nakangiting sinagot ang kaibigan. "I fell asleep," she answered simply. "You fell asleep ka riyan. Maniwala sa iyo. May iba pang rason, 'di ba? Umamin ka na kasi, Kara..." anang Keyla na parang nang-aasar. Mahinang tumawa si Kara at naglakad palapit sa upuan ni Keyla at umupo sa harap nito. Nag-angat siya ng tingin kay Violet na halos magpantay na ang mga kilay. "That's true. Actually, noong nasa mall ako, medyo sumama ang pakilasa ko. Thank God Gage came. He helped me until