Kabadong-kabado ako. Alam kong kahit Keia Angela Sasane ang gagamitin kong pangalan sa kasal na ito ay legal na legal pa rin ang kasal na ito. Pero para mas makatiyak na walang sabit, I asked someone to do something for me. Kailangan kong gamitin ang tunay kong pangalan na Keia Angela Sylene na surname nila Mary. Legally adopted ako ng mga ito. Kaya mas nais kong gamitin iyon, sabi ni Mary ito na raw ang bahala at si Xen. Nangako ang dalawa na walang makakaalam sa mangyayaring kasalan na ito. "Let's go?" ani ni Hendrix na katatapos lang mag-ayos ng sarili. Ngumiti ako rito at hindi ipinahalata ang nararamdaman kong kaba. Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at sabay na kaming lumabas. Wala pa sina Sugar, tiyak na magtataka ang mga iyon kapag nagpunta rito na walang tao at aabutan pang