"Paanong…" hindi maapuhap ni Grace ang dapat na salita na nais nitong sabihin. Nagpalinga-linga ito. Ang shock na bumalot sa expression ng mukha nito ay nabago. Nakuha nitong muling ngumiti saka iwinagayway ang hawak na remote. Para sa mga bombang itinanim nito sa paligid. "Kahit may mga baril pa kayo, pare-pareho lang tayong mamamatay sa lugar na ito." Muli itong tumawa. "I'm bored," ani ko na kampanteng ibinaba ang baril. "Bored? Hindi ka ba nae-excite? Oh baka kinakabahan ka na?" nakangising ani ni Grace. "Hindi ikaw ang magpapakaba sa akin, baka nga mas kabahan pa ako kapag hindi ako kinausap ng asawa ko," ani ko rito na bahagyang napailing at ngisi dahil sa amusement na dulot nang naisip. "You're so funny, H. Masyado ka lang nilang tiningala pero wala ka namang binatbat. Hin