"Hendrix, ang sakit na ng t'yan ko." Daing ko rito. Kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sana sa isang restaurant. Kabuwanan ko na pero na gawa pa rin naming gumala nito dahil na rin sa pangungulit ko. Mabilis nitong iginilid ang sasakyan. Madalang ang mga dumaraan ding sasakyan. "W-hat? Anong gagawin ko?" tanong nito. "I think may lalabas na." "You think?" mabilis nitong kinalas ang seatbelt nito saka bumaba habang may tinatawagan. Bumukas ang pinto sa passenger seat. Halata sa mukha ng asawa ko na kabado ito. "Malayo pa ang hospital, kaya mo pa ba?" kabadong tanong nito. "H-indi na, lalabas na…lalabas na s'ya." Sigaw ko na bumukaka na. Ni-recline ko pa ang upuan. "Anong gagawin ko?" frustrated na tanong ni Hendrix. "Hubarin mo 'yong panty ko. D-ali!" ready na akong umire.