Bella's POV Pangalawang araw na ngayong hindi umuuwi si Damian. Sobrang dalang din nitong magmessage sa akin. Kahit na alam kong kailangan siya ng kaibigan niya ngayon ay nag-aalala pa rin ako para kay Damian. Gaano ba siya ka kailangan ng kaibigan niya at hindi ito makauwi o makatawag o message man lang? Nasa life and death situation ba sila? Kahit ayaw ko mang mag-isip ng masama pero may pumapasok talagang negative thoughts sa akin. Sanay naman akong hindi palaging tumatawag o text sa akin si Damian pero magkaiba ngayon. Noon kase alam kung nasa trabaho ito o hearing kaya hindi siya palaging nakakatawag at nakakatext. Hindi siya nakauwi at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ang alam ko lang ay nasa kaibigan niya siya. Mabuti rin sana kung alam ko kung ano ang dahilan niya kung bak