Damian's POV Pagkadating namin sa lugar kung saan nangyari ang aksidenti ay halos hindi ako makahinga ng maayos. I don't want to think that Bella's dead body is in there. I just can't. Hindi ko kaya. "Damian?" Nag-aalalang tanong ni Audrey sa akin. "W-what if--" Napailing ko. "Damian, you need to be strong, okay? Let's-- let's check it first." Hinawakan ng mahigpit ni Audrey ang kamay ko. I exhaled deeply. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas doon. Dumating na rin ang kotse ng parents ko pati na sila Tito Nathan. May mga pulis na sa paligid at iilang mga news reporters. Mabibigat ang mga paa ko habang naglalakad. Nakita kong papalapit sa amin si Detective Diaz. "Audrey," bati nito kay Audrey at napatingin sa akin, "Attorney," he sighs. "C-can I check it?" Tumango ito sa akin,