Bella's POV "Hi, Muffin! I didn't know you're coming." Gulat na sabi ni Damian. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Akala mo naman hindi kami sabay na nag-almusal kaninang umaga sa condo niya kung makayakap siya ng mahigpit sa akin. I smiled at him, "surprise!" Wika ko. Ngayon lang ako ulit nakabalik dito sa opisina ni Damian. Dinalhan ko siya ng lunch dahil hindi ito nagla-lunch minsan kapag sobrang busy niya sa trabaho. I called Jane 2 hours before ako pumunta rito kung busy ba si Damian at sinabi niyang oo, kaya napagpasyahan kong ipagluto si Damian ng lunch niya. "I am surprised, Muffin. Come here." Aniya at kinuha ang bitbit kong eco bag.. Umupo kami sa couch at nilapag niya sa mesa ang eco bag. "I'm with