Bella's POV "Damian, paalis na ako." Wika ko. Kausap ko siya ngayon sa phone dahil pupunta ako sa opisina niya para maghatid ng lunch. "Take care, Muffin. I'll wait for you here." Aniya at binaba na ang tawag. Saktong dumating na ang taxi na ni book ko kaya sumakay na ako. "Good morning, Ma'am." Bati ni Kuya Driver sa akin. "Good morning, Ku-- ay! Hello po! Ikaw po pala ulit." Nakangiting wika ko. Siya rin ang na book kung driver nang nakaraang linggo noong nanggaling ako sa opisina ni Damian at nagpunta sa Mall. Iyong binigyan ni Damian ng tip na limang libong piso. "Kamusta po kayo, Ma'am?" Anito at umandar na ang taxi. "Ito po, maayos naman." Sagot ko sa kanya. "Mabuti naman po," nakangiting sabi nito, "punta po kayo ulit sa boyfriend niyo?" "Opo, may dala akong lunch niya."